Ginuhit ng Langit Lyrics
sa isang sulyap, tayo'y nagkakilala
sa isang iglap, biglang kakaiba
noon ko nalaman, ikaw pala ang kabiyak
sa hinaharap makakasama
ikaw ang puso ko, kasama, kaulayaw
kasuyo't kalaro, kapiling sa buhay
noon ko nalaman, ang himig mo'y aawitin ko
hanggang matapos ang walang hanggan.
marahil ay nakangiti ang langit noong ginuhit niya
ang daloy ng ating pagsinta
marahil ay nakangiti ang langit noong ginuhit niya
ang daloy ng ating pagsinta
ikaw at ako ay iisa.